TAGALOG

ANG UTOS NG DIYOS

(Exodo 20:3-17.)


HUWAG kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko.

HUWAG kang gagawa para sa iyo ng bagay na inanyuan, ni ng kawangis man ng anumang bagay na nasa langit sa itaas, o ng nasa ibaba sa lupa, ni ng mga bagay na nasa mga tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mong sasambahin sila, ni paglilingkuran man sila: Ako ang Panginoon mong Diyos, makapangyarihan, mapanibughuin, dinadalaw Ko ang kasalanan no mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa Akin: at pinagpapakitaan Ko ng kaawaan ang libu-libong umiibig sa Akin, at tumutupad
ng Aking mga utos.

HUWAG mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos
sa walang kabuluhan: sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang
sala ang babanggit ng pangalan ng Panginoong kanyang Diyos sa
walang kabuluhan.

ALALAHANIN mo upang ipangilin ang araw ng Sabado. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay Sabado ng Panginoon mong Diyos: huwag kang gagawa ng anumang gawa sa araw na ito, ikaw ni ang iyong anak na lalaki, ni ang iyong anak na babae, ni ang iyong aliping lalaki, ni ang iyong aliping babae, ni ang iyong hayop, ni ang taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan. Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at ang lupa, at ang dagat, at ang lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw: na anupa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng Sabado, at pinakabanal.

IGALANG mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ikaw ay mobuhay ng matagal sa ibabaw ng lupa na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.

HUWAG kang papatay.


HUWAG kang mangangalunya.


HUWAG kang magnanakaw.


HUWAG kang magbibintang sa iyong kapuwa.

HUWAG mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa: ni huwag mong hahangarin ang kanyang asawa, ni ang kanyang aliping lalaki, ni ang kanyang aliping babae, ni ang kanyang baka, ni ang kanyang asno, ni anumang bagay na ari niya.